Mayo Uno 2008

Malinaw ang sigaw ng mga bata…

At dahil hindi nakikinig si GMA, dapat siyang patalsikin sa puwesto.

Pangkulturang pagtatanghal ng Sinagbayan. Ang aktor sa itaas ay kumakatawan kay GMA at ang kanyang  kasakiman para sa trono…

Na ginagamit para sa pandarahas at pagpapahirap sa sambayanan…

Ayan, galit na ang masa at inaagaw ang ninakaw na kapangyarihan…

Hanggang sa tuluyang masukol ang “pekeng pangulo”…

Hahaha…how wonderful kung ang rehimeng GMA ay matatapos nga ng ganito.

Umpisa ng martsa mula Liwasang Bonifacio…

Pagsasabatas ng P125 at P3,000 across-the-board nationwide na dagdag-sahod para sa mga manggagawa sa pribado at papublikong sektor ang panawagan…

Na dala ng mga mass leader…

Hanggang sa Mendiola.

Seryoso si Kuya.

Nakakatuwa ang paggamit sa dyaryo namin ng manggagawang ito.

Sa gitna ng matinding krisis sa pagkain…

Lalong nagiging matuwid ang dagdag-sahod na kung tutuusi’y barya-barya lamang para sa mga kapitalista.

Pinoprotektahan ang Malakanyang ng barbed wire at daan-daang mga pulis.

Gayunpaman ipinarating ng mga maralitang ito ang pangunahing mensahe ng araw na iyon.

Nakababa ang mga kalasag ng mga awtoridad, nakataas ang mga bandera.

Para sa kapakanan ng batang bitbit ang pagdalo ni nanay sa rali.

Kahit ilang beses ipagkait…

P125 dagdag-sahod pa rin!

Mga manggagawang pinasaya ng pagkanta ni Koyang Jess Santiago

Walang pagsusunog ng effigy, pinapula na lamang ang kalangitan ng wumawagayway na mga bandila…

Habang inaawit ang Internationale, anthem ng uring manggagawa.

Marahil dahil shaky ang aking mga kamay o sumobra ang bagal ng shutter speed or both, di ko na-achieve ang effect ng pagiging sharp ng mga tao at ang mga bandila ang blurred…

For that, heto mala-impressionistic painting ang kinalabasan. Hahaha. Okay lang, tutal medyo unreal nga naman ang mga eksena sa pagtatapos ng mob.

Leave a comment